“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang….”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”
“Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwede magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras. posible pero pangit tignan.”
“Minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, ‘di pa rin natitinag.”
“Okay lang lumaki ng lumaki, tumangkad, at tumanda ng walang nalalaman… kung puno ka.”
“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”
”Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
”Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
”Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
”Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
”Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
“Parang elevator lang yan, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung wala nang lugar para sa’yo? eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin…”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko. ”
“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis.Kung may pagkukulang sa’yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at mag rebelde… tumigil ka sa pag aaral, mag drugs ka at magpakulay ng buhok sa kilikili.Sa bandang huli, ikaw din ang biktima… Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun..may iniisip ka..”
“Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa’yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga..”
“Sa kolehiyo, madaming impluwensiya ang makikita, masama o mabuti man ito..wag isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya..kung talagang matino kang tao, kahit sino pang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daanang tatahakin mo..”
“Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo..”
“Hindi dahil manhid ka ay wala ka nang kakayahang manakit.”
“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
“Kung tatamaan lang ng kidlat ang mga taong hindi marunong tumupad sa salitang PROMISE siguro nagmistula ng fireworks ang kalangitan sa dami nito.”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Hindi kayang tumbasan ng isang libong mababait ng tao ang pagmamahal ng isang gagu!”
= Bob Ong