Status Post “To Love Again”
January 17, 2009 by ivy-baby
Hindi lang ako puro lablablab. Kaya ko din mag-isa: manood ng Piolo at Angel movie, kumain sa Max’s, magbeach, maglaba, magluto, maglinis ng CR, mag-shopping, maligo, at marami pang iba! *kindat* etchos!
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Pakibalik si Pepay please, kung sino man ang nakapulot sa kanya. Sobrang namimiss ko na siya. Isa siyang pusang kalye na inalagaan ko, pinalaki, pinaanak at pinuno ng sobrang pagmamahal. Ipa-ransom mo na lang sa akin. (Pepay is my white cat with a brown tail. She has blue right eye and olive green left eye. Refer to previous blogs (Good Mourning, October 2007) and photos for reference.)
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Madalas akong malungkot lately, pero malaki ang pagpapasalamat ko sa cute at hindi cute na mga pasyente ko sa Pedia ward pati na rin ang ibang magulang na nagpapakulay ng araw ko.
Isa na dito si Mrs. Cortez na nanay ni Love Kim (na hanggang ngayon ay di pa gumagaling sa kanyang meningitis) na nagfi-feeling doctor at mas marunong pa sa amin kasi tinuruan niya akong habaan pa ang pasensya ko sa araw-araw na nakikita ko siya. Hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng bagay.
Si Mr. and Mrs. Padilla na nagtiis sa anak nilang si Kyla na nung dumating ay mukha talagang hindi na magtatagal. Namatay na halos lahat ng katabi ng anak nila sa ICU pero hindi sila nawalan ng pag-asa. Nagtiyaga silang mag-ambubag magdamag, maghanap ng pera panggastos, at naging counsellor pa ng ibang magulang na ayaw nang lumaban. Huling balita ko ay nakauwi si Kyla ng buhay na buhay. (Lumipat na kasi ako ng ward kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila.) Sila ang gusto kong makita bago man lang ako matapos sa Pedia.
Si Mitchie Abuan na may congenital heart disease. Shy type siya pero napaka-cooperative kapag ini-examine ko, at sa nanay niyang laging nagte-thank you.Sana tumagal pa siya…
Si patient H (hindi ko na babanggitin ang pangalan for confidentiality) na hindi pala tunay na anak ng “tatay” niyang nagdala sa kanya sa hospital. Anak pala siya sa iba ng nanay niyang nangaliwa habang nasa abroad ang asawang seaman. Kahit na tinawag niya akong “Panget!” in one of her tantrum moments, mahaba ang pasensya ko sa kanya out of great respect kay Mr. H na hindi mo mahahalatang hindi niya kadugo dahil sa sobrang pag-asikaso sa kanya. Saan ka pa ba makakahanap ng ganoong lalake ngayon na ganun na lang ang pagmamahal niya sa asawa niya? Wala! Nagpaburger pa siya bago umalis, saan ka pa? (Kinantiyawan ko kasi ng “Burger! Burger! Burger!”)
Kay Mrs. Sabado na rin na laging sexy ang damit sa ward, halos mag-lingerie na nga siya! Mas lalo akong nagka-urge magpapayat. Natouch pako nung sinabihan ako ng “Welcome back, doctora! Matagal kitang hindi nakita ah!” pagbalik ko matapos akong magkasakit ng 3 araw. Isama na natin si Mr. Sabado na aaminin ko eh guapo. Mabait siguro talaga si Mrs. Sabado, at magaling!Hehehe…bastos.
Heto pa ang dalawang nagbigay sa akin ng pag-asa, sina Mr. (25 years old) at Mrs. (42 years old) Manzano. Malamang nasa kindergarten pa lang ang mapapangasawa ko in the future!
Kahit na Pediatrics ang pinakatoxic at pinaka-nagbigay ng unnecessary sacrifices sa akin, madami ring magagandang nangyari sa akin, in fairness. Lalo na sa mga bata at magulang na nagpapangiti sa akin araw-araw ng hindi nila alam… *hikbi*